Rumesponde ang mga pulis at sundalo makaraang makataangap ng tip mula sa mga residente na mayroong bomba na idadaan sa bahagi ng national highway patungo sa nasabing lungsod.
Ayon kay SPO2 Ping Guiaman, agad nagtayo ng checkpoints kung saan naharang ang isang cargo passenger can na galing sa Shariff Aguak sa Maguindanao.
Nang inspeksyunin ang sasakyan na may plakang ABT-6892, natagpuan ang kahon na naglalaman ng IED na mayroong cellphone na gagamiting triggering device.
Hindluan pa umano ito ng corn grains para hindi mahalata.
Sinabi ni Guiaman na base sa impormasyong kanilang nakuha, pawang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang may-ari ng mga pampasabog at dadalhin sana ito sa Barangay Rosario Heights 10 sa Cotabato City.