People’s Initiative at no-el hindi tanggap ng opposition congressmen

Sinopla ng mga taga-oposisyon na kongresista ang isinusulong na no elections at People’s Initiative (PI) ng liderato ng Kamara.

Ayon kay Caloocan Representative Egay Erice, mas mahirap ang nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na PI para isulong ang amyenda sa Saligang Batas.

Kulang na aniya sa oras para rito sapagkat ang gusto ng taumbayan ay magkaroon ng eleksyon sa susunod na taon.

Tinawag namang desperado ni ACT Teacher’s Representative France Castro ang liderato ng Kamara kaya kung anu-ano na ang naiisip para lamang matuloy ang Charter Changer.

Sinabi naman ni Gabriela Representative Arlene Brosas na self-serving ang nais ng Kamara dahil wala namang public clamour upang palitan ang Konstitusyon.

Hindi rin aniya dapat pondohan ang sinasabing PI dahil may mga proyektong mas dapat bigyan ng pondo.

Read more...