Pagkakaroon ng marathon sessions para sa Cha-Cha at 2019 budget iginiit ng isang mambabatas

Iminungkahi ni Surigao del Norte Representative Robert Barbers sa liderato ng Kamara na palitan ang legislative calendar para sa Third Regular Session ng 17th Congress.

Ayon kay Barbers, ito ay para mapabilis ang deliberasyon sa panukalang national budget sa taong 2019 at pagtalakay sa Charter Change.

Base sa mungkahi ni Barbers, gagawin ang sesyon mula Lunes hanggang Sabado sa loob ng tatlong linggo kada buwan.

Isang linggo naman ang ibibigay na break para makauwi sa kani-kanilang distrito ang mga kongresista.

Hindi rin maaaring umalis ng bansa ang mga kongresista ng bansa hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon hanggang hindi pa natatapos ang 2019 budget at ang Cha-Cha.

Read more...