“Life Expectancy” mas mahaba ngayon ni Brenda Arcangel

brendaSa pagtaya ng World Health Organization, ang average “life expectancy” noong 2013 sa buong mundo ay 71 years old. Tumaas yan kumpara noong mga nakaraang taon.

Sa website ng WHO, sinabi sa kanilang report na taon-taon ay humahaba ang buhay ng tao.

Nakasaad dito na kung ang isang sanggol na babae ay isinilang noong 2012 – maaari daw siyang mabuhay hanggang 73 years old at ang sanggol na lalaki naman ay 68 years old.

Mas mataas yan sa average global life expectancy ng mga taong isinilang noong 1990 at mas mahaba ang buhay ng mga tao sa mahihirap na bansa kumpara sa mauunlad na bansa.

Maraming factor kung bakit mas umiiksi ang buhay ng mga tao ayon na rin sa kanyang lifestyle at kinakain.

May mga pamamaraan para mapahaba ang ating buhay :

Medical check-ups. Ang lifestyle at environment ay may malaking papel kung tatagal pa ba tayo sa mundong ibabaw. Kahit daw wala naman sa inyong lahi ang anumang sakit, kahit feeling mo e ang lakas-lakas mo o kaya naman ay wala ka namang nararamdaman sa katawan – napaka-halaga pa rin ang regular na pag-papatingin sa doktor. Kasabihan na nga na “prevention is better than cure.”

Unhealthy diet. Maraming kundisyon ngayon gaya ng obesity, diabetes, heart problem, high cholesterol at maging ang cancer ay may kaugnayan sa uri ng pagkain na ating kinakain. Tandaan natin lagi na kapag sobra hindi maganda, kapag kulang naman ay hindi rin mainam. Mahalaga daw po na alam natin kung ano ang mga pagkain na maaaring makasama sa ating kalusugan at kung ang kailangan ng ating katawan.

Couch potato. Kayo ba yung taong kapag naupo ay halos ayaw ng tumayo. Lalo na sa ating mga bahay, yung palaging utos sa yaya o utos sa kung sinuman – paki-kuha nga ako ng ganito… paki-kuha nga yung ganyan. Galaw-galaw din pag may time.

Sleep. Mas mapapadali daw ang buhay ng mga taong natutulog ng mababa sa anim na oras. Ito daw kasi ang sanhi para humina ang katawan na maaaring magdulot ng sari-saring karamdaman. Ang average adult daw ay nangangailangan ng pito hanggang walong oras na tulog kada araw.

Stress. Ang sobrang stress ay may epekto sa ating kalusugan . Ang sobrang pag-iisip daw ay may negatibong epekto sa puso, sa ating metabolism at lalo sa immune system. Katunayan sa isang pag-aaral ini-uugnay ang heart attack at stroke sa sobrang stress na nagpapataas sa bilang ng mga namamatay.

Oral hygiene. Sa maniwalat kayo o hindi, malaki pala ang kinalaman ng proper oral hygiene sa ating overall health. Ang oral bacteria daw kasi ay nagpapalala sa maraming mga sakit gaya sa puso, sa kidney, stroke, diabetes at maging ang cancer.

Isa pang believe it or not, nakapagpapapadali pala ng buhay kung laging negatibo ang ini-isip natin.

Ang sobrang pag-iisip ng negatibo ay maaari daw mag-manifest o mag-resulta ng kung ano-anong sakit at hindi maganda sa ating kalusugan. Gaya ng lagi kong paalala, anuman ang problema, kung positibo natin itong haharapin malalagpasan din yan. Keri Lang.

Pakinggan ang Balita Nueve Nubenta (5:00-6:00am daily), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat 11:00-12:00nn)

Read more...