46 na ang kumpirmadong patay sa bagyong Lando, 16 dito ang mula sa Benguet

central luzon 2Apatnaput-anim na ang kumpirmadong patay sa bagyong Lando at lima ang nawawala batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, sa Benguet pinakamarami ang nasawi na nasa labinganim.

Sumunod ang Pangasinan na nasa pito, habang apat ang patay sa isabela, at tig-tatlo sa Zambales at Ifugao.

May naitala ring fatalities sa Nueva Ecija, Aurora, Baguio City at Quezon City.

Halos tatlong daang libong pamilya o mahigit isang milyong katao ang naapektuhan ng bagyo na tuluyan nang humina sa low pressure area.

Samantala, sa PAG-ASA forecast ngayong Biyernes, huling namataan ang lando sa 285 kilometers east ng Basco, Batanes.

Maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa mga lalawigan ng IIocos Norte, Apayao, Batanes at cagayan kabilang ang mga isla ng Calayan at Babuyan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...