Malacañang nilinaw na hindi target si Robredo ng Pederalismo

Sinabi ng Malacañang na hindi pakikiaalaman ng kanilang hanay ang magiging karera ni Vice President Leni Robredo kapag naipatupad ang Pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang batayan ang pahayag ni dating Chief Justice Hilario Davide na gusto lamang mapaiksi ng administrasyon ang termino ni Robredo kaya itinutulak ang charter change.

Nilinaw ng opisyal na target ng pangulo na mag-iwan ng magandang legacy sa bansa kaya itinutulak nito ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan.

Sakaling matuloy ang Pederalismo, sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na hindi magiging kapit-tuko sa kanyang pwesto ang pangulo.

Nauna na ring sinabi ng pangulo na bababa siya ng maaga sa kanyang posisyon kapag naamyendahan ang Saligang Batas bago ang taong 2022.

Read more...