Bukod sa dalawa, pinasasampahan din ng kaso ng DOJ ang iba pang mga akusado na sina Lovely Impal, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.
Sa resolusyon ng prosecution panel na pinangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, nakitaan nila ng probable cause ang sabwatan ng mga akusado at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang desisyon ay ibinatay ng panel confession ni Kerwin Espinosa sa Senate Committees on Justice and Public Order.
Isasampa ang kaso laban sa grupo ni Espinosa sa Makati City Regional Trial Court.
Kasabay nito dinismis ang kaso laban sa mga akusadong sina Max Miro, Nestor “Jun” Pepito at Rowen Reyes Secretaria na pawang napatay sa magkakahiwalay na insidente.
Ayon pa sa panel, ang kanilang desisyon ay suportado ng jurisprudence ng Korte Suprema sa kaso ng De Lima vs. Guerrero.
Patuloy naman ang hiwalay na paglilitis ng DOJ kay businessman Peter Go Lim na naunang naghain ng motion for separate preliminary investigation na siya namang pinagbigyan ng panel of prosecutors.
Ang nasabing kaso na isinampa ng PNP-CDIG ay unang dinismis ng mga dating DOJ panel of prosecutors na humawak dito.
Dahil dito, bumuo ang Justice Dept ng paninagong panel na nagsagawa ng review sa nasabing kaso.