Nakiisa ang mga empleyado ng Malacañang sa isinagawang earthquake drill ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Eksakto ala-una ng hapon nang tumunog ang alarm sa new executive building sa loob ng Malacañang complex.
Agad naman na naglabasan ang mga empleyado ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pangunguna ni Secretary Martin Andanar.
Habang pababa ng gusali, tinakpan ng mga empleyado ang kanilang ulo bilang bahagi ng precaution.
Mabilis na nagsilikas ang mga empleyado sa open area sa labas ng new executive building.
Ayon kay Andanar, mahalaga na makiisa ang lahat dahil walang may nakakaalam kung kailan magkakaroon ng lidol.
Sinabi ni Andanar na kanya ring ipasururi ang gusali ng new executive building kung ligtas sa lindol.
Sa ngayon aniya, regular naman na sinusuri ng engineering department ng palasyo ang mga gusali sa Malacañang.
Hinimok pa ni Andanar ang mga empleyado sa Malacañang na agad na ipagbigay alam sa kinauukulan kapag may nakitang bitak sa mga gusali.