U.S magbibigay ng $26.5-M na pondo sa Pilipinas laban sa terorismo

Inquirer file photo

Sinabi ng U.S Embassy sa Maynila na tuloy ang pagbibigay ng kanilang pamahalaan ng $26.5 Million sa iba’t ibang mga law enforcement agencies bilang ayuda sa counter-terrorism efforts ng gobyerno.

Kabilang rin dito ang ilang mga law enforcement equipments, training at intelligence informations.

Layunin ng nasabing tulong na idiskaril ang mga terrorist operations at pagtatayo ng mga terror cell sa bansa ng iba’t ibang mga grupo.

Sinabi pa ng U.S Embassy na kaisa ang kanilang bansa sa pandaigdigang kampanya laban sa banta ng mga terorismo.

Kanila ring tiniyak na bilang treaty ally ay hindi nila tatalikuran ang kanilang pangako sa bansa na tutulong sila sa pagpapalakas ng Armed Forces of the Philippines.

Sa nakalipas na mga taon ay naging aktibo ang U.S sa pagbibigay ng ayuda sa AFP sa pamamagitan ng mga makabagong military hardware at training ayon pa sa embahada ng Amerika.

Sa ilalim ng Trump administration ay umaabot na sa P750 Million ang naibigay na tulong ng U.S kung saan karamihan sa mga ito ay inilaan sa rehabilitasyon ng Marawi City na resulta ng giyera laban sa terorismo.

Read more...