DFA sasagutin ang pagpapauwi sa mga Pilipino sa Nicaragua

AP FILE

Nag-alok ng tulong ang Department of Foreign Affairs para sa mga Pilipino na nais umuwi mula sa Nicaragua sa gitna ng kaguluhan sa lugar.

Tiniyak ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na handa ang kagawaran na pauwiin ang mga Pilipino sa Nicaragua anumang oras.

Ayon sa DFA, nasa 86 Pilipino ang nananatili sa Nicaragua. Wala namang naapektuhan ng karahasan sa lugar.

Sinabi ni Cayetano na tatlong Pilipino na ang kumuha ng alok ng kagawaran na voluntary repatriation. Inilipad sila mula Managua noong July 8 at dumating sa bansa noong July 10.

Mahigpit namang binabantayan ng Philippine Embassy sa Mexico ang sitwasyon sa Nicaragua.

Ayon sa ulat ng Reuters, umabot na sa 275 katao ang nasawi sa lugar mula nang sumiklab ang mga protesta noong Abril laban sa plano ni President Daniel Ortega na bawasan ang pension benefits.

 

Read more...