Mga opisyal ng DOLE na isinasangkot sa P6.8M extortion, ipatatawag ng PACC

FILE

Sinimulan na ng Presidential Anti-Corruption Commission ang pag-iimbestiga sa P6.8 milyon extortion na kinasasangkutan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay PACC Commissioner Manuel Luna, ipatatawag ng kanilang hanay ang mga personalidad na sinasabing may kinalaman sa kontrobersiya.

Sinabi ni Luna na ikinukonsidera nilang seryoso ang alegasyon na isinampa ni Monalie Dizon laban kay Bello kung kaya’t kailangan maimbestigahan at para na rin sa interes ng publiko.

Paliwanag ni Luna ang pag-summon sa mga taong sangkot ay bahagi ng komisyon na mabigyang linaw ang naturang isyu.

Una rito sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bello.

Si Bello at iba pang opisyal ng DOLE ay isinasangkot sa P6.8-million extortion case sa Azzizah International Manpower Services.

Read more...