State of Calamity, itinaas sa Bacoor City, Cavite

Bacoor DRRMO Facebook

Isinailalim sa state of calamity ang Bacoor City, Cavite dahil sa malawakang pagbaha.

Ayon kay Mayor Lani Mercado, apektado ng pagbaha ang 63 barangay dulot ng mga ulang hatid ng Habagat.

Inilikas naman ang mahigit 20 pamilya bunsod nito.

Nalubog din sa baha ang mga kalsada sa lungsod, kabilang na ang Aguinaldo Highway.

 

Read more...