Inaprubahang Bangsamoro Organic Law ng BBL, salig sa Konstitusyon ayon kay House Majority Leader Fariñas

HOR Press and Public Affairs Bureau

Nanindigan si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na papasa sa constitutionality test ang ipinasang Bangsamoro Organic Law ng Bicameral Conference Committee.

Ayon kay Fariñas, naging maingat sila sa mga ilalagay na probisyon para hindi makuwestyon ang constitutionality nito.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ilang mga problema sa bicam at kung bakit hindi nila ibinigay ang lahat ng hiniling ng Bangsamoro Transition Commission.

Naging mas mahirap anila ang usapin ng teritoryo para sa Bangsamoro Region partikular ang nais ng BTC na isama ang anim na bayan ng Lanao del Norte at 39 na barangay ng North Cotabato kung saan gusto ng mga ito na kapag pumabor ang mga residente sa lugar ay kagyat sila mapapabilang sa Bangsamoro Region.

Hindi aniya nila pinayagan ang ganitong paraan ng pagboto dahil sa labag sa Saligang Batas sapagkat ang dapat na bumoto sa plebesito ay lahat ng mga maapektuhan.

Gayunman, naging katanggap-tanggap naman ayon kay Fariñas sa BTC ang kanilang naging pasya sa mga hindi pinagkasunduang mga probisyon.

Read more...