Reactivation ng mga botante sa ilalim ng OAV, pinalawig ng Comelec

OFW-passport (1)Pinalawig ng Comelec ang panahon para sa reactivation ng mga botante sa ilalim ng Overseas Absentee Voting o OAV.

Sa ilalim ng Resolution No. 100-05, mula October 31, 2015, ang aplikasyon para sa reactivation ng registration ay inextend hanggang December 9, 2015.

Ang nabanggit na reactivation ay para sa mga overseas voter na na-deactivate dahil sa kabiguan na makaboto sa dalawang magkasunod na national elections.

Maaring personal na magpa reactivate ang OAV sa alinmang embahada at konsulada ng Pilipinas o di kaya ay sa pamamagitan ng electronic mail at fax ang nabanggit na reactivation.

Makukuha ang form para sa reactivation sa alinmang embahada ng Pilipinas, konsulada, Office for Overseas Voting and Field Registration Center sa Pilipinas o maari din idownload sa Comelec website na www.comelec.gov.ph o di kaya ay sa DFA website na www.dfa.gov.ph.

Read more...