Celine Dion, nasa bansa na para sa 2-day concert

Celine Dion Instagram

Dumating na sa bansa ang award-winning singer na si Celine Dion para sa kanyang dalawang araw na concert sa bansa.

Lumapag ang private pplane na sinasakyan ni Celine mula Thailand kaninang pasado ala-1:00 ng madaling araw.

Ipinahayag ng singer ang kanyang kasabikan lalo na’t magtatanghal siya sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon.

Aarangkada ang concert ni Celine ngayong araw, at bukas naman ang ikalawang araw ng kanyang concert.

Mahigit 30 taon na sa industriya ang singer na nakapagbenta ng 250 milyong albums. Noong 2004, ginawaran siya ng Diamond award sa World Music Awards bilang best-selling female artist of all time.

 

Read more...