Kinilala ang mga pulis na sina PO1 Erdie Bautista, PO1 MJ Cerilla, PO3 Michael Chavez, PO3 Dindo Encina, PO1 Arcadio Orbis, at PO1 Martinico Mario.
Ayon kay Eleazar, sinubukan ng mga ito na mangikil ng P100,000 mula sa isang umano’y human traffickers sa Sta. Mesa, Maynila. Pawang mga myembro sila ng District Special Opoerations Unit ng Manila Police.
Una nang inaresto sina Bautista at Cerilla sa entrapment operation na isinagawa ng Counter-Intelligence Task Force sa loob mismo ng headquarters ng MPD.
Patuloy namang tinutugis ang apat na iba pa.
Sinibak din sa pwesto ng NCRPO chief si DSOU head Chief Insp. Joey de Ocampo dahil sa “command responsibility.”
Lahat ng mga inarestong pulis ay ililipat sa headquarters ng NCRPO sa Bicutan, Taguig City habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.
Kagabi, hiningian ng mga operatiba ng DSOU ang walong suspek umano ng human trafficking ng P100,000 kapalit ang kanilang kalayaan.