Hinihinalang tulak ng droga, patay sa operasyon sa Bauan, Batangas

Google Maps

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Bauan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Chester Manalo.

Ayon sa pulisya, ikinasa nila ang buy-bust operation laban kay Manalo dakong alas-10:45 kagabi sa Barangay Poblacion.

Humugot ng baril si Manalo at pinaputukan ang mga pulis kaya nauwi ito sa shootout.

Sugatan ang suspek at isinugod sa ospital pero namatay ito bago pa man dumating sa ospital.

Narekober kay Manalo ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu, isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang marijuana at isang kalibre .45 na baril.

 

Read more...