Ilang residente sa tabi ng Marikina River umuwi na

Marikina PIO

Bumalik na sa kanilang mga bahay ang ilang residente dahil sa paghupa ng lebel ng tubig sa Marikina River.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Marikina, nasa 46 pamilya ang bumalik na sa kanilang mga bahay.

Nasa kabuuang 70 pamilya o 300 katao ang inilikas matapos tumaas ang water level sa ilog at umabot sa ikalawang alarma.

Sa naturang bilang, 26 pamilya o 117 katao ang nasa evacuation centers pa rin. Isang pamilya ang nasa Malanday Elementary School habang 25 pang pamilya ang nananatili sa Marikina Elementary School.

Sa update ng Marikina Public Information Office, nasa 15.8 meters ang water level sa ilog alas 6:30 ng gabi.

Read more...