P500-M produktong pang agrikultura, nasira ng bagyong Lando sa Tarlac

central luzon 1Aabot ng P500 milyon halaga ng mga produktong agrikultura ang nasira ng pagbahang dulot ng bagyong Lando sa probinsya ng Tarlac.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Tarlac Governor Victor Yap na sa kanila tumungo ang tubig mula sa mga kalapit probinsya.

Malaki ang panghihinayang ni Yap dahil aanihin na sana ang mga tanim na palay na sinira ng pagbaha at malakas na hangin.

Dagdag ng governor na mula nang gawin ang Agno Flood River Control Project ay nagiging bagsakan na ng tubig ang kanilang lalawigan. “Talagang nagiging bagsakan ng tubig. Dumarating ang tubig sa amin pagkatapos ng bagyo.”

Ang mga bayan sa Tarlac na nakaranas ng pagbaha ang bayan ng La Paz, Concepcion, Ramos, Paniqui at Moncada.”Itong huling bagyo na ‘to talagang marami talagang bumagsak na tubig, yung mga agricultural products namin hindi man binagyo, hinangin naman.” Ani pa ni Yap

Isinailalim na sa State of Calamity ang buong probinsya ng Tarlac.

Read more...