Dahil dito, inihahanda na nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang kanilang mga protest attire.
Kapwa magsusuot ng barong sina Zarate at Casilao kung saan ang barong ni Zarate ay disenyo na ipininta ni Atty. Ma. Sol Taule ng National Union of People’s Lawyer o NUPL.
Ipinapakita ng disenyo ang panawagan ng mga Pinoy para sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines gayundin ang apila para sa tunay na repormang agraryo at ang paglutas sa kawalan ng trabaho.
Ang barong naman ni Casilao ay may pinta ng mga taong nagpoprotesta na may hawak na plakard para sa P750 national minimum wage at genuine agrarian reform.