Orange warning nakataas sa Bataan at Zambales sa 11AM rainfall warning ng PAGASA

Dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan nakataas pa rin ang orange warning level sa Bataan at Zambales.

Nangangahulugan itong nakaranas na ng intense rainfall sa dalawang lalawigan sa nakalipas na mga oras at inaasahang magpapatuloy sa susunod na tatlong oras.

Pinaghahanda ang mga residente sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa Metro Manila, Rizal, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija at
Northern Quezon.

Habang light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang aasahan sa nalalabi pang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas at nalalabi pang bahagi ng Quezon na maaring tumagal sa susunod na tatlong oras.

Read more...