Comelec nagsuspinde na rin ng pasok sa main office at ilang field offices

Suspendido na rin ang pasok sa main office ng Commission on Elections at ilan nilang field offices na apektado ng pag-ulan.

Sa abiso ng Comelec, mula alas 12:00 ng tanghali suspendido na ang trabaho sa Comelec main office sa Intramuros Maynila.

Wala na ring pasok sa mga field office ng Comelec sa buong NCR, Region 4A, Region 4B, Bataan, Bulacan at Zambales.

Ang voter registration sa mga nabanggit na lugar ay suspendido rin.

Read more...