Ginang na notoryus na pusher sa Muntinlupa, arestado

Radyo Inquirer Photo

Arestado ang isang 52 anyos na ginang na suspek sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa Muntinlupa City.

Ayon sa Muntinlupa City police ang suspek na si Christina Lupeña ay high value target sa lungsod at lider umano ng Lupeña Drug Group.

Notoryus umano ang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod at ginagamit pa ang mga batang kaanak niya para magdeliver ng ilegal na droga.

Si Lupeña ang sinasabing nasa likod ng batang nahulihan ng P200,000 halaga ng illegal drugs habang sakaky ng school bus sa lungsod.

Lima hanggang anim na bata na ginagamit ni Lupeña sa iligal niyang gawain ang nai-turnover na ng mga pulis sa pangangalaga ng DSWD.

Read more...