LPA sa Cagayan magiging bagyo ngayong araw at tatawaging Inday

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa loob ng bansa.

Huling namataan ang LPA sa 540 kilometers East ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa PAGASA ngayong araw na ito ay maaring mabuo bilang isang tropical depression ang LPA at papangalanan itong Inday.

Ang tropical storm Henry naman na mayroong international name na Sont-Tinh ay huling namataan sa 1,115 kilometers West ng Extreme Northern Luzon at nasa labas na ng bansa.

Dahil sa Habagat, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA ay makararanas ng hanggang sa malakas na pag-ulan ngayong araw.

Habagat din ang nakaaapekto sa Bicol Region at Visayas na maaring makaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Habang magiging maganda naman na ang panahon sa Mindanao at magkakaroon lang ng isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Read more...