Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga, orange rainfall warning ang nakataas sa Bataan at sa Zambales dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat.

Yellow warning level naman ang nakataas sa Metro Manila, Cavite, at Rizal.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa nabanggit na mga lugar.

Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nakaaapekto sa Laguna, Batangas, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Quezon.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

Read more...