Ayon sa PAGASA, makararanas pa rin ng mga pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Mindoro at Palawan.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Magandang panahon naman ang mararanasan sa Mindanao liban na lamang sa mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
Patuloy naman ang paglayo sa Pilipinas ng Bagyong Henry.
Huling namataan ang Tropical Storm sa layong 700 kilometers Kanluran ng Basco Batanes.
May lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras ang bagyo malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos pa rin ito pa-Kanluran sa bilis na 45 kilometro kada oras.
Samantala, isang low pressure area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA at inaasahang magiging bagong bayo sa loob ng 36 oras.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 805 kilometro Silangan ng Tuguegarao City.
Sakaling maging bagyo ay papangalanan itong ‘Inday’.