Federalism suvey mali ayon sa ConCom

Naniniwala ang Consultative Committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang resulta ng survey na nagpapakita na mayorya sa mga Filipino ang kontra sa pagbabago sa Saligang Batas.

Sinabi ni Ding Generoso, ang tagapagsalita ng concom, na hindi naman nangangahulugan na ang mga ayaw baguhin ang Konstitusyon ngayon ay masasabing kontra na sa Charter Change o Cha Cha.

Paliwanag nito sa pagharap sa pagdinig sa Senado ukol sa Cha-Cha, sa kanyang pagkakaintindi ang mga sumagot ng ‘not now’ sa survey ay pabor pa na mabago ang Saligang Batas.

Naniniwala din ito na ang opinion ng publiko ay maari pang magbago dahil katatapos lang nila ng draft Federal Constitution at sa nangyayaring deliberasyon sa nilalaman nito ay maraming matutunan ang taumbayan.

Read more...