Mga tutol sa pagdaong ng chinese survey ship sa Davao may ‘Sinophobia’ ayon sa Malacañang

Walang nakikitang problema ang Palasyo ng Malacañang sa pagdaong ng chinese survey ship sa Davao.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng barko ng ibang bansa na mayroong friendly ties sa Pilipinas ay maaaring dumaong sa mga pantalan ng Pilipinas.

Iginiit pa ni roque na ang mga bumabatikos sa pagdaong ng barko ng China sa Davao ay ang mga taong mayroong ‘Sinophobia’ o mayroong masamang sentemyento sa China kung kaya para sa kanila ay objectionable.

Sinabi pa ni Roque na gaya ng US warships malayang makadadaong sa mga pantalan ng Pilipinas ang Chinese survey ships.

“On Chinese Survey Ship’s docking: all ships from countries with whom the Philippines maintains friendly ties, may dock at our ports. Chinese survey ships, just like US warships, may dock at our ports. Only those afflicted with Sinophobia will find the routine incident objectionable,” ani Roque.

Read more...