Aniya duda siya na may senador, kaalyado man ng administrasyon o oposisyon, ang papaya na masalaula ang proseso sa pagpapalit ng Saligang Batas.
Reaksyon na ito ng senador kaugnay sa mga ulat na ang joint session sa State of the Station Address (SONA) ay maaring gamitin na Constituent Assembly para baguhin na ang 1987 Constitution.
Ibinahagi nito na nagkasundo ang buong Senado na hindi sila papayag na madaliin ang pagbabago sa Konstitusyon.
Dagdag pa ni Aquino mas makakabuti na ibaling muna ang atensyon sa mga napapanahong isyu sa lipunan partikular na ang nakakaapekto o para sa kapakanan ng sambayanan.