Ayon kay Jaafar, wala na silang nakikitang problema sa nilalamang probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) proposal ng Bicameral Conference Committee.
Ito anya ay matapos magkaroon caucus ang BiCam panel kasama ang mga stakeholders para maresolba ang mga hindi pa pinagkakasunduan sa panukalang BBL.
Sa naging caucus napagkasunduan na alisin na ang mga katagang “national laws” sa mga pinagtatalunang probisyon dahil sumusunod naman sa konstitusyon ang gagawing batas ng Bangsamoro parliament.
Nauna rito, nagbabala si Jaafar Na hindi nila susuportahan ang BBL kapag hindi sinunod ng Bicam ang bersyon na kanilang inihain base sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Iginiit nito na kaduda-duda ang pabago-bagong opinyon ng mga mIyembro ng BiCam na posibleng mauwi din sa pagbawi nila ng suporta sa BBL.