Most expensive movie ng China, nilangaw

Inalis na sa mga sinehan ang pinaka-pinagkagastusang pelikula ng China sa buong kasaysayan.

Ang fantasy film na ‘Asura’ ng Alibaba pictures na ginastusan ng $113 milyon at ipinalabas mula noong Biyernes ay kumita lamang noong weekend ng $7.3 milyon.

Ang impormasyong ito ay mula sa Chinese ticketing platform na Maoyan.

Humingi ng paumanhin ang official social media account ng pelikula sa publiko dahil sa pag-aalis dito sa mga sinehan.

Ang ‘Asura’ ay ang una sanang instalment ng epic trilogy na hango sa Tibetan Buddhist mythology na layon sanang magtaguyod sa mga gawang may elemento ng tradisyonal na kulturang Chinese.

Ginawa ang pelikula sa loob ng anim na taon na ginamitan nang ubod ng mahal na visual effects sa 141 minutes runtime nito.

Dahil sa tumataginting na $106 milyon na lugi, ang Asura na ang pang-lima sa pinaka-flop na pelikula sa buong mundo sa kasaysayan ayon sa Box Office Mojo.

Read more...