Mga nakatira sa danger zones sa Aurora, pinalilikas na ng Pangulo

 

Nananawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa mga residente na nakatira sa mga danger zones sa lalawigan ng Aurora na lisanin na ang kanilang mga lugar upang hindi na malagay sa alanganin ang kanilang buhay sakaling muling tumama ang isang bagyo.

Binitiwan ng Pangulo ang kanyang panawagan sa mga residente sa kanyang pagtungo sa bayan ng Casiguran Aurora na isa s amga lalawigang sinalanta ng nakaraang bagyong Lando.

“May mga lugar na talagang tiyak na mukhang delikado basta may dumating na bagyo… Baka maganda na pag-isipan, ilipat sa mas maayos na lugar, pahayag ng Pangulong Aquino sa harap ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan.

Bukod sa pagbisita, nagdala rin ang pangulo ng mga relief supplies para sa mga residenteng sinalanta ng bagyong Lando.

Hindi rin pinalampas ng Pangulong Aquino na paalalahanan ang mga residenteng ginagamit na mga ‘sampayan’ ng damit ang mga nakatumbang poste at linya ng kuryente sa lugar.

Pabirong sinabi ng Pangulo na may posibilidad na magtagal ang pagbabalik ng kuryente sa Casiguran dahil basa pa ang mga damit ng mga residente na isinampay sa mga nasirang linya ng kuryente.

Read more...