Lando, pinakamatinding bagyo sa taong ito ayon sa NDRRMC

 

Mula sa PAF-PIO

Ang bagyong Lando na ang pinakamatinding bagyo na tumama sa bansa sa taong ito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ipinaliwanag ng ahensya na sa ngayon, umabot na sa P7.3B ang pinsala ng naturang bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Sa naturang halaga, 6.43 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa mga pananim samantalang nasa 902 milyong piso naman sa mga infrastructure.

Nananatili pa ring walang kuryente aniya ang probinsya ng Ilocos Sur, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Aurora, Quezon Kalinga at Mountain Province.

Lubog pa rin sa baha ang ilang mga lugar sa mga probinsya ng Pangasinan, Isabela, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Zambales, Cagayan at Benguet.

Sa ngayon, nasa 41 ang nasawi sanhi ng bagyong Lando.

Patuloy pa rin ang pagkalap ng NDRRMC ng karagdagang impormasyon sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad at posibleng madagdagan pa ang naturang datos sa mga susunod na araw.

Read more...