Red tarpaulin may epekto sa relasyon ng Pilipinas at China

Inquirer file photo

“Very bad”.

Ito ang naging reaksyon ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa nagkalat na tarpaulin sa ilang lugar sa Metro Manila na may mensaheng “Welcome to the Philippines, province of China.”

Sa ambush interview sa groundbreaking ceremony ng dalawang bagong tulay na pinondohan ng China sa Intramuros, Manila, sinabi ni Zhao na hindi naging maganda ang mga tarpaulin para sa bilateral relations ng Pilipinas at China.

Sinabi pa ni Zhao na hindi magiging probinsya ng China ang Pilipinas ngayon o kahit kailan.

Ipinaliwanag rin ng Chinese official na maayos ang relasyon ng kanilang bansa sa kasalukuyang administrasyon.

Hindi naman na offend si Zhao sa mga nagkalat na tarpaulin.

Read more...