Malayo ang narating ng Philippine baseball team na lumaban sa Cal Ripken Blue Crab Tournament na ginanap sa Aberdeen, Maryland, USA.
Sa 24 kasing team na naglaban-laban, pumangalawa sa pwesto ang Philippine Pioneers 12U.
Maituturing ito isa sa pinakamagandang performance ng Pilipinas kasaysayan ng sa baseball.
Sa grouping, nagawa ng Pilipinas na talunin ang lahat ng nakalaban nila sa apat na laro.
Maging ang home crowd favorite na Churchville Curves ng Maryland ay tinalo ng team.
Umabot pa sa anim ang panalo ng Philippine Pioneers at walang naging talo hanggang sa makarating sa finals.
Gayunman, sa finals, nabigo ang Pilipinas at natalo sa kalaban nito sa larong umabot pa ng overtime at nauwi sa score na 11 – 10.
Masayang-masaya naman at todo-suporta ang Filipino American community sa Maryland sa Philippine Pioneers team.
Ang Philippine Pioneers ay binubuo ng 12-under boys na pawang mula sa Batangas.