Pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila sinuspinde ng Malakanyang

Brgy. Del Monte, QC. | Inqurier Photo / Jam Sta. Rosa

BREAKING NEWS: Sinuspinde na ng Malakanyang ang klase sa lahat ng antas at pasok sa gobyernosa Metro Manila.

Base sa memorandum circular number 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, epektibo ala 1:00 ng hapon ang suspensyon.

Ang mga empleyado naman ng gobyerno na ang trabaho ay may kinalaman sa disaster response ay mananatiling may pasok at tuloy ang serbisyo.

Ang suspensyon naman ng pasok para sa mga pribadong kumpanya ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa kani-kanilang pamunuan.

 

Read more...