Pasok sa QC at Manila City Hall, suspendido na

Kuha ni Dona Dominguez

Nagsuspinde na rin ng pasok sa trabaho sa Manila City Hall at sa Quezon City Hall.

Sa anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila, sinuspinde na ang pasok nga mga kawani ng City Hall.

Ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon.

Gayunman, mananatili namang may pasok ang mga departamento na kabilang sa quick response team gaya ng Manila Department of Social Welfare, MDRRMO, DPS, Manila Health Dept., Engineering Office, at Manila Traffic and Parking Bureau.

Sa Quezon City naman, sinuspinde na rin ang pasok ng mga empleyado mula alas 12:00 ng tanghali.

Hindi rin sakop ng suspensyon ang mga departamentong nasa disaster response.

Read more...