Groundbreaking ceremony ng 2 China aid and bridges project sa pangungunahan ni Pang. Duterte

Matapos ang tatlong araw na working visit sa Malaysia, trabaho pa rin ang aatupagin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Alas 3:00 mamayang hapon, pangungunahan ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ceremony sa dalawang China aid and bridges project.

Ito ay ang Binondo-Intramuros Bridge at Estrella-Pantaleon Bridge Maestranza Parking sa Intramuros Manila.

Dadalo rin sa okasyon si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Alas 5:00 naman ng hapon dadalo ang pangulo sa Philippine Airlines’ Airbus A350 and A321 Neo roll-out na gaganapin sa Villamor Air Base, Pasay City.

Makakasama naman ng pangulo ang megastar na si Sharon Cuneta at ang chairman at COO ng PAL na si Dr. Lucio Tan.

Read more...