LOOK: Ilang flights kanselado na dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights 5J 513 at 514 Manila – San Jose, Mindoro – Manila ng Cebu Pacific.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Mindoro.

Ayon sa MIAA, maaring direktang makipag-ugnayan sa airline company ang mga pasahero na apektado para sa rebooking o refund.

Read more...