1st alarm itinaas na sa Marikina River

Itinaas na ang 1st alarm sa Marikina River matapos umakyat sa 15 meters ang water level nito.

Naitala ang 15 meters na taas ng tubig sa ilog alas 9:04 ng umaga ayon sa Marikina City Rescue.

Dahil dito itinaas na ang unang alarma na nangangahulugan na kailangang maging handa ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng paglikas.

Mayroong walong flood gates na bukas sa nasabing ilog.

Samantala, nakapagtala naman ang Marikina City Rescue ng pagbaha sa bahagi ng Rainbow Street kanto ng Katipunan na umabot na sa 1 feet o 12 inches.

Dahil dito ang nasabing kalsada ay hindi na passable sa malilit na sasakyan.

Read more...