Pasok sa Korte Suprema suspendido na

Sinuspinde na rin ang pasok sa Korte Suprema mula alas 12:00 ng tanghali.

Ang suspensyon ay inutos ni SC Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Ang suspensyon ng pasok sa mga third level courts sa Metro Manila ay ipinaubaya na sa mga Presiding Justice.

Habang ang suspensyon ng pasok sa mga trial court sa Metro Manila ay ipinaubaya naman sa Executive Judges.

Read more...