Mega Q-Mart sa QC nasunog

(UPDATE)

Nasunog ang bahagi ng Mega Q-Mart sa EDSA Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 4:44 ng umaga at agad itong itinaas sa ikaapat na alarma.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 20 stall ang nasunog o 25% ng palengke ang naabo na bahagi ng dry good section nito.

Maging ang opisina ng palengke ay nadamay.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng napinsala ng sunog pero hindi pa kasama ang halaga ng mga paninda na natupok.

Naideklara namang under control na ang sunog alas 5:20 ng umaga.

 

Read more...