VP Robredo, umaasang tatalakayin ni Pangulong Duterte ang inflation at WPS sa SONA

Umaasa si Vice President Leni Robredo na kasama sa mga tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa malalaking isyu na kinakaharap ng bansa, partikular ang inflation at gusot sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Robredo, kailangan ding matalakay ang tungkol sa peace and order ng bansa, maging ang estado ngayon ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Paliwanag ng ikalawang pangulo, bukod sa ang mga isyung ito ang inaasahang marinig ng mga Pilipino ay ito rin ang mga target na solusyunan ng pangulo sa umpisa pa lamang ng kanyang termino.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Robredo na dapat ay pagtuunan ng pansin ni Pangulong Duterte ang mga problema sa ekonomiya ng bansa.

Ngunit bilang tugon ay sinabi ng Palasyo ng MalacaƱan na wala namang problemang pang-ekonomiya ang Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Robredo na dadalo siya sa ikatlong SONA ng pangulo sa July 23. /

Read more...