3 drug suspek arestado, sa Quezon City

Timbog ang tatlong drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya sa Barangay Payatas B, Quezon City.

Nakilala ang mga tulag ng iligal na droga na sina Joseph Pabella, 19 na taong gulang; Joshua Solamo, 24 na taong gulang; at Sonny Gutieres, 20 taong gulang.

Ayon sa mga operatiba Quezon City Police District (QCPD) Station 6, narekober mula sa tatlo ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...