Mastermind sa pagpatay kay Mayor Bote, tukoy na

Itinuturing ng case closed ng PNP ang kaso ng pagpatay kay Gen. Tinio Mayor Ferdinand Bote.

Sa walong suspek sa pagpatay kay Mayor Bote, tatlo dito ang nasa pangangalaga na ng PNP.

Habang tukoy na rin ng mga awtoridad ang mastermind sa likod ng pagpatay sa alkalde.

Ayon kay PCSupt. Amador Corpus, director ng PNP Region 3, tinutugis na ng Philippine National Police si Christian Saquilabon, isang negosyante na itinuturong mastermind sa likod ng pagpatay kay Gen. Tinio Mayor Ferdinand Bote.

Si Saquilabon daw ang nag-utos sa dalawang gunmen na sina Florencio Suarez at Robert pumatay para patayin ang alkalde.

Si Saquilabon at Mayor Bote ay naging magkaribal sa isang bidding para sa proyekto ng DPWH sa Minalungao Park sa Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Pero dahil natalo ang alkalde, ginigipit daw nito si Saquilabon sa procject nila sa Gen. Tinio.

Sinasabi rin ng mga suspek na P25,000 ang ibinayad para itumba ang alkalde.

Read more...