Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, desisyon na ng JBC ang naturang usapin.
Dagdag ni Roque, hindi pakikialaman ng palasyo ang anumang desisyon na gagawin ng JBC.
Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, Ex Officio Member ng JBC na maari pa ring ikunsidera si Carpio bilang kandidato sa pinakamataas na posisyon kahit na tumanggi na ito.
Sa ilalim ng batas ng JBC, kinakailangan na sumasang-ayon o tinatanggap ng isang nominee ang kanyang nominasyon sa posisyon.
Pero ayon kay Guevarra, may isinumiteng request letter si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. na maaring i-dispense ito.
Una rito, sinabi ng JBC na wala pang may nag-a-apply sa pagka Chief Justice na nabakante dahil sa pagkakatanggal ni Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto petition bunsod ng hindi pagdedeklara ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Networth.