Malakanyang aminadong kailangan ng doble-kayod para maipaunawa sa publiko ang Pederalismo at Cha-Cha

Pagsusumikapan ng Malakanyang na maipaunawa sa taong bayan ang usapin sa Pederalismo at Charter Change.

Ito ay matapos lumabas sa Pulse Asia survey na dalawa sa bawat tatlong Filipino ang tutol sa Pederalismo at Cha-Cha.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, sadyang tututol ang taong bayan sa naturang panukala dahil lumalabas sa survey na 69 percent sa mga respondent ang nagsabing wala silang alam sa naturang usapin.

Dahil dito, sinabi ni Roque na paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapalaganap o ang information dissemination sa Pederalismo at Cha-Cha.

Sinabi pa ni Roque na ang taong bayan din ang huling huhusga kung sasang-ayunan o tutulan ang pagbabago sa Saligang Batas.

 

Read more...