Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, sa latest survey ng Pulse Asia makikita na ang pamahalaan lamang ang may gusto na magkaroon ng pagpapalit sa porma ng gobyerno at hindi ang taumbayan.
Sinabi naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na dapat magising na Duterte administration sa malaking porsyento ng mga Pilipinong tumututol sa chacha.
Babala ni Villarin, kung ipipilit ng pamahalaan ang Pederalismo, lilikha ito ng dibisyon sa mga Pilipino, political instability at economic crisis.
Para naman kay Gabriela Rep. Emmie de Jesus, lumalabas lamang na self-serving ang ginagawa ng administrasyon kaya ipinipilit nito ang Federalism.
Sa latest Pulse Asia survey lumalabas na 28 percent lamang ang pabor sa Cha-cha habang 62 percent ang tutol at 10 percent ang walang alam dito.