Joint military training sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia ikinakasa na

Inilalatag na ng Pilipinas at Malaysia ang pagkakaroon ng joint military training.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isa sa mga matatalakay sa pagpupulong mamayang alas 3:00 ng hapon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad sa Putrajaya Malaysia ang pagkakaroon ng training ng Philippine military at Malaysian military.

Niliwanag ni Roque na layunin ng pagtatag ng joint military training ay para malabanan ang lumalaganap na operasyon ng international terror group na ISIS sa Southeast Asia.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na palalakasin pa ng dalawang bansa ang joint border patrol sa karagatan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Hindi maikakaila ayon kay Roque na patuloy ang operasyon ng mga pirata at terorista na nambibiktima ng mga barkong pumapalaot sa karagatan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Read more...