Ang Florencio R. Sibayan Central Elementary School (FRSCES) sa nasabing lungsod ang naging unang recipient ng bagong classrooms mula sa PAGCOR.
Ang naturang paaralan ay matatagpuan sa Baan Kilometer 3, Butuan City.
Tatlong palapag ng gusali na mayroong 18 silid-aralan ang ipinagkaloob ng PAGCOR sa eskwelahan na inaasahang pakikinabangan ng 600 mga mag-aaral sa mula grades 2 hanggang 6.
Pinasalamatan naman Ma. Lilgaya Joyo, principal ng paaralan ang PAGCOR sa ipinatayong gusali.
Ayon kay Joyo matagal na rin silang nagtitiis sa 18 lang na silid-aralan para sa mahigit 800 nilang estudyante.
Pinagunahan ni PAGCOR VP for Corporate Social Responsibility Group Jimmy Bondoc ang turnover ceremony para sa nasabing school building.